Wala nang pera sa daliri 'Di makanood ng sine Wala na bang ibang magagawa? Wala namang matatawagan Wala na ring mapag-usapan Nood na lang ng TV mag-isa Ang sagwa naman ng mga soap opera Pare-pareho lang ang storyline nila Ang magulang, 'di alam kung sino Maging sila kaya sa dulo? Ang tagapagsalba'y mamamatay Sisisihin na naman ang bida Makakaaway ang querida Akala mo patay, mabubuhay Nakatitig ako na para nang tuod 'Pagkat wala namang ibang mapanood Sana may pera na 'ko At makikita n'yo ang mga 'yan Isa-isa kong babayaran Upang pagbutihan nila Ang paggawa ng programa Nang matuwa ang mga walang magawa Katulad natin na walang pera ♪ Kung dati ay chicanong drama Ngayon naman ay chinovela Ang susunod ba'y Iraqi opera? 'Eto namang mga nakikiuso Tauhan nga ay Pilipino Ang pamagat naman ay Kastila Wala na ba tayong ibang mararating? Sa pangongopya lamang tayo magaling Sana may pera na 'ko At makikita n'yo ang mga 'yan Isa-isa kong babayaran Upang pagbutihan nila Ang paggawa ng programa Nang matuwa ang mga walang magawa Katulad natin na walang pera ♪ Pera na lamang ba ang katapat mo? Kung may nais kang marating, eh, 'di, puntahan mo Bakit ba takot na takot ka kung biglang magbago? Kung may nais kang sabihin, 'di, sabihin mo Kahit may bayad o wala (may bayad o wala) Kahit may bayad o wala, wala Sana may pera na 'ko At makikita n'yo ang mga 'yan Isa-isa kong babayaran Upang pagbutihan nila Ang paggawa ng programa Nang matuwa ang mga walang magawa Katulad natin na, katulad natin na walang pera