Halina at sumama Sa programa na pang-masa Hindi kailangang magaling ka Basta't bibo't bongga ka Wala naman kayong alam (Ginagawa kayong tanga) Laging sinusubaybayan Pumila nang maaga Para makuhanan ng camera Pumorma nang magara, ha! Malay mo ma-discover ka Hininintay nila kayo (Ang dami n'yong uto-uto) Itapon na ang utak n'yo Sali na, dalhin ang barkada Umuulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Sa happy, sappy, magic, plastic, ihaw-ihaw All-time noontime show ♪ Sumasayaw, umaawit sila Kahit na pangit Walang duda, benta sila Dahil guwapo at maganda Hindi naman kayo tanga (Ang dami pa namang iba) Gustong-gusto n'yo pa sila Sali na, dalhin ang barkada Umuulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Sa happy, sappy, magic, plastic, ihaw-ihaw All-time noontime show ♪ Sa libu-libong nakatunganga Kami lang ang inyong pag-asa Tumutok na bawat tanghali 'Wag na 'wag na kayong babawi Sumunod ka na lang sa uso Eh, ano kung hindi bagay sa 'yo? Sambahin ang mga artista Sundan ang bawat kilos nila Gasgasin mga lumang plaka Hanggang dito na lang ang masa Ganito dapat pumorma Para magmukhang artista Ganito dapat ang kulay Para umunlad ang buhay Ganito dapat 'pag banda Pagkanta, may epal na artista Hanggang dito na lang ba ang masa? Hanggang dito na lang ang masa Hanggang dito na lang ba ang masa? Hanggang dito na lang ang masa Hanggang dito na lang ba ang masa? Hanggang dito na lang ang masa Hanggang dito na lang ba ang masa? Hanggang dito na lang ang masa Sali na, dalhin ang barkada Umuulan dito ng pera Sali na, pati ang pamilya Sa happy, sappy, magic, plastic Super duper, bonggang-bonggang ihaw-ihaw All-time noontime show Show