Hawak ang 'yong kamay Habang naglalakbay Hindi pa 'ko sanay Sana habang-buhay Yakapin mo ako 'Wag munang lalayo Ayokong mawala Ating pagsasama 'Di ko mapaniwalaan na Ikaw ay nasa piling ko, sinta Wala na 'kong kakailanganin pa Kung ito ay panaginip lang Ang buhay kong ito'y mawiwindang Huwag na sana 'kong gumising mag-isa Init ng 'yong haplos Amoy ng 'yong pulbos Hinhin ng 'yong ngiti Sana 'di mapawi Kuyugin mo ako Ng mga yakap mo Atin ang magdamag Hindi matitinag 'Di ko mapaniwalaan na Ikaw ay nasa piling ko, sinta Wala na kong kakailanganin pa Kung ito ay panaginip lang Ang buhay kong ito'y mawiwindang Huwag na sana 'kong gumising mag Huwag na sana 'kong gumising mag Huwag na sana 'kong gumising mag-isa