Ilang hakbang papalayo Sa bawat singhot, ako'y napapaso Hinahanap ka na ng langit Sa'n kita itatago? Ang buhay, 'di mahalaga Kung ika'y hindi makakasama Walang ibang idadalangin Oh, Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin ♪ Kislap ng 'yong mga mata Ang s'yang nagbibigay ng kulay Mga bulong ng hangin na nag-uugnay Sa 'yo at sa 'king buhay Ang buhay, 'di mahalaga Kung ika'y hindi makakasama Walang ibang idadalangin Oh, Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin ♪ At sa 'yong paglayo Tangay-tangay mo ang buhay ko Sa bawat pintig ng puso ko Aking dalangin, 'wag kang agawin sa akin ♪ Ang buhay, 'di mahalaga Kung ika'y hindi makakasama Walang ibang idadalangin Oh, Diyos ko, 'wag kang agawin sa akin (Gagawin ang lahat) 'Wag kang agawin sa akin (Gagawin ang lahat) 'Wag kang agawin sa akin (Gagawin ang lahat) 'Wag kang agawin sa akin (Gagawin ang lahat) Oh, Diyos ko