Ilang gabi na akong ganito Hindi mapakali, hindi makatulog Iniisip ang mga sandali Ika'y kasama't kapiling Nais ko sanang sabihin sa 'yo Na ikaw ang sigaw ng puso ko Ngunit hindi ito ang panahon Para sabihin at amining Maghihintay ako Maghihintay sa 'yo Hindi magbabago Ang tibok ng puso ko Maghihintay lang ako ♪ Lagi na lang iniisip ang Ganda ng 'yong ngiti at 'yong mga mata 'Di akalaing magiging ganito Na may magbabago sa pagtingin sa 'yo, oh-oh Nais ko sanang sabihin sa 'yo Na ikaw ang sigaw ng puso ko Ngunit hindi ito ang panahon Para sabihin at amining Maghihintay ako Maghihintay sa 'yo Hindi magbabago Ang tibok ng puso ko Maghihintay lang ako Alam kong marami pa tayong pagdadaanan Marami pang makikilala Kaya naman ang dalangin ko Ikaw pa rin sa dulo Maghihintay ako Maghihintay sa 'yo Hindi magbabago Ang tibok ng puso ko Maghihintay lang ako Maghihintay lang