"ALABOK" (ASOP Year 4) *Composed by: Jesmer Marquez *Interpreted by: Jeffrey Hidalgo Sa bawat sandali ng aking buhay Ikaw ang nais kong makasama Sa piling Mo sana'y wag nang mawalay pa Di ko kakayanin ang mag-isa Laging nariyan Ka kapag nalulumbay Ikaw ang pag-asa at karamay Laging nariyan Ka saki'y umaakay Sapat Kang lagi sa aking buhay Ako'y mula sa alabok Tinawag Mo't kinupkop Tinuruan ng aral Mo at hinubog Ako'y mula sa alabok Nagkukulang at marupok Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok Kabutihan Mo'y hindi mapapantayan Walang hanggan ang lingap at awa Kagandahang loob ay nararamdaman Panginoon dahil kapiling Ka Laging nariyan Ka kapag nalulumbay Ikaw ang pag-asa at karamay Laging nariyan Ka saki'y umaakay Sapat Kang lagi sa aking buhay Ako'y mula sa alabok Tinawag Mo't kinupkop Tinuruan ng aral Mo at hinubog Ako'y mula sa alabok Nagkukulang at marupok Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok Ooaahhh. Oooaahh. Hanggang ngayo'y nagmamahal pa rin Pag-ibig Mo'y hindi magmamaliw Nagbibigay pag-asa sa aking kaluluwa Wagas na pagpuri aalayan Ka Aaahhh... Ako'y mula sa alabok Tinawag Mo't kinupkop Tinuruan ng aral Mo at hinubog Ako'y mula sa alabok Nagkukulang at marupok Tuwina ay samahan sa bawat pagsubok Tuwina ay samahan Palaging gabayan Ikaw ang aking Dios magpakailanman... Magpakailaman... Magpakailanman... (Encoded by: Arthzky)