Sumasayaw ka na naman Nang mag-isa, tigas ng katawan Ako'y natatawa pero dahil ganyan Kaya mahal kita Tandaan, kahit nasasaktan Bawat bugbog ng aking katawan Nababasag man ang pinaglalagyan Ng puso ko'y mahal kita Hindi titigil ang puso Sa pagtibok ng pangalan mo Kahit ano'ng mangyari Kahit ano'ng mangyari Simple lang ang sasabihin ko Sa mga taong puro "ganyan, gan'to" Pangit man o maganda Iba 'pag mahal mo s'ya Umiiyak 'pag 'di napagbigyan Nang-aaway pa 'pag 'di kumain 'yan Ako'y walang pera, pero laging and'yan "'Di imporante ang bulsa", 'yun laging sabi n'ya Hindi mo man maintindihan Minsan, kahit ako, hindi ko na alam Basta't ang puso ko, puro s'ya ang laman Ay, basta mahal ko s'ya Hindi titigil ang puso Sa pagtibok ng pangalan mo Kahit ano'ng mangyari Kahit ano'ng mangyari Simple lang ang sasabihin ko Sa mga taong daming "ganyan, gan'to" Pangit man o maganda Iba 'pag mahal mo s'ya ♪ Simple lang naman pangarap ko Panghabang-buhay na makasama mo Buhay ko'y itataya Kasi mahal kita