Kishore Kumar Hits

Tippy Dos Santos - Dati şarkı sözleri

Sanatçı: Tippy Dos Santos

albüm: Tippy Dos Santos


Oh, woah (woah, ah, ah)
Hah...
Dati-rati, sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy-araw ang balat
Naaalala ko pa no'n, nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kuwento
Na lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala
Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon), oh, oh, woah, oh
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng
Da-ra-ra-rat-da, dati, da-ra-ra-rat-da, dati
Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng
Dati-rati ay palaging sabay na magsiyesta
At sabay ring gigising alas-kuwatro y medya
Oh, sabay manonood ng paboritong programa
Oh, kay tamis namang mabalikan ang alaala
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami nang nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin na gaya pa rin ng (yeah)
Dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan
At pawang magkakalaban 'pag nagtaya-tayaan
Pero singtamis ng candy 'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba, dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina?
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ang mga alaala
Lalo na't kung magkayakap mga bata't magkasama at
Parang Julio't Julia, lagi tayong magkasama ('di mapaghiwalay)
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah (hindi puwede 'yan)
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga ('yan ang pag-ibig)
Sana mabalik pang dati nating pagsasama, ahh
'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang 'yong hari?
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin (oh, ibulong na lang sa hangin) (ibulong na lang)
Pangarap na lang din (pangarap na lang din) na gaya pa rin ng
Da-ra-ra-rat-da, dati (dati), da-ra-ra-rat-da, dati (dati)
(Yeah, yeah, yeah) Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng (yeah-hey-yeah)
Da-ra-ra-rat-da, dati, da-ra-ra-rat-da, dati
Da-ra-ra-rat-da, dati, na gaya pa rin ng
Ng dati

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar