Kishore Kumar Hits

Tippy Dos Santos - Isang Minsan şarkı sözleri

Sanatçı: Tippy Dos Santos

albüm: Tippy Dos Santos


Ooh-ooh
Minsan ba'y inisip mong inibig kong makamit ang mga tala?
Kung kaya't pinilit mong ilikom 'to, abutin kahit 'di kaya
Labis ang pag-ibig na inaalay mo bawat saglit
Labis ding sakit kung malaman mong 'di ko ito maibabalik
Sayang din lang ang iyong pagmamahal kung sa akin pa
Bakit 'di na lang puso'y ialay sa iba?
Isang minsan din ay ligaya, karikta'y ibibigay
Sa 'yo na nagmamahal, sa 'yo at ng Maykapal
Isang minsa'y mapupunan din ang puwang
Ng puso mo, ngunit 'di ako ang bubuo nito, ooh-ooh-ooh-ooh
Minsa'y pinangarap kong pangalan mo'y maidikit sa akin
Ngunit habang naglalaon, pangarap ko'y unti-unting nagmaliw
Labis ang pag-ibig na inaalay at ibinibigay
Labis ding sakit kung malaman mong puso ko'y 'di makasabay
Sayang din lang ang iyong pagmamahal kung sa akin pa
Bakit 'di na lang puso'y ialay sa iba?
Isang minsan din ay ligaya, karikta'y ibibigay
Sa 'yo na nagmamahal, sa 'yo at ng Maykapal
Isang minsa'y mapupunan din ang puwang
Ng puso mo, ngunit 'di ako ang bubuo nito
Hindi naman sa tinutulak ka nang palayo
Mas mabuti lang siguro kung hindi ako, hindi ako sa puso mo
Isang minsan din ay ligaya, karikta'y ibibigay
Sa 'yo na nagmamahal, sa 'yo at ng Maykapal
Isang minsa'y mapupunan din ang puwang
Ng puso mo, ngunit 'di ako ang bubuo nito
Ooh-whoa-whoa, whoa-whoa-whoa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar