Kishore Kumar Hits

Quest - Lahat Tayo Kasama şarkı sözleri

Sanatçı: Quest

albüm: Lahat Tayo Kasama


Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa
Kasabay ng pagsikat ng araw
Ang pangarap natin balang araw
Pag-asang hindi na maaagaw
Oras na, tara na, tara na
Liwanag na 'di mapipigil
Pag-ibig na 'di na titigil
Anumang hamon, 'di na pasisiil
Laban na, ngayon na, ngayon na
'Di na magbubulag-bulagan
'Di na matatakot lumaban
'Eto ang tunay na kalayaan
Na maging karangalan ng bayan
Sabay-sabay tayong tumayo
'Di na kailangan pang lumayo
Dito lahat tayo lalago
Ikaw at ako
Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat
Walang iwanan, lahat sapat
Pambihirang bayanihan
Kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino
Sama-sama tayo
Uh, palayain ang isip
Buhayin ang ating panaginip
Pangarap na 'di na kailangang ipilit
Tagumpay na ang pambansang hilig
Uh, kusang nagdadamayan
Walang lamangan, wala na ding nagbabangayan
Buong mundo magtataka, bakit ganyan?
Ito ang bayanihang 'di mapapantayan
Kapag may umaangat, lahat nagdiriwang
Lahat kasalo, walang maiiwan
Sa pag-angat, paglago, pagbanat ng buto
Sipag, tiyaga at tiwala ng lubos
Sa'n man sa mundo mapadpad
Ang dugong Pinoy, laging namumukadkad, hey
Wala nang ibang ganyan
Siguradong tatak Pinoy 'yan
Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat
Walang iwanan, lahat sapat
Pambihirang bayanihan
Kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino
Magkakasama tayo
Kasama ka
Patungo sa tunay na tadhana
Pangarap, pag-ibig, pag-asa
Pilipinas, bansang malaya
Kasama ka
Patungo sa tunay na tadhana
Pangarap, pag-ibig, pag-asa
Pilipinas, bansang malaya
Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat
Walang iwanan, lahat sapat
Pambihirang bayanihan
Kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino
Magkakasama tayo
Sabay-sabay, walang humpay
Kasama ka sa tagumpay
Angat-angat tayong lahat
Walang iwanan, lahat sapat
Pambihirang bayanihan
Kakaibang kapatiran
Pilipinas, Pilipino
Magkakasama tayo
Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa, oh-oh-oh
Oh-whoa, oh-whoa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar