Kishore Kumar Hits

Asop - Sabik Sa'Yo şarkı sözleri

Sanatçı: Asop

albüm: ASOP Year 4


Dati-rati sa buhay ko
Nagbababad sa kung ano-ano
Sumasama sa mga barkada ko
Nalululong sa iba't ibang bisyo
Ang gitara ko'y lagi sa inuman
Ginagamit ang talento sa kamunduhan
Kasalanan ko'y hindi na mabilang
Laging umaayon sa kasamaan
Ngunit, bigla Kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala Mo sa 'kin ang 'Yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik, hindi na sa bisyo
Kung 'di sa presensiya Mo
Ako ay adik, hindi na sa kung ano-ano
Kung 'di sa mga salita Mo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Ngayon, ang buhay ko ay nagbago
Hindi na nalulunod sa mga bisyo
Sumasama sa mga kapatiran
Binabahagi ang Ebanghelyo
Ang gitara ko'y nasa pagpuri na
Ginagamit ko upang dakilain Ka
Lagi kong dala ang 'Yong mga salita
Na s'yang pagkain ko sa gabi at umaga
Dahil bigla Kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala Mo sa 'kin ang 'Yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik, hindi na sa bisyo
Kung 'di sa presensiya Mo
Ako ay adik, hindi na sa kung ano-ano
Kung 'di sa mga salita Mo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo

Dahil bigla Kang dumating sa buhay ko
Binago ang takbo ng aking mundo
Pinaalala Mo sa 'kin ang 'Yong pangako
Kaya ngayon ako
Ako ay adik, hindi na sa bisyo
Kung 'di sa presensiya Mo
Ako ay adik, hindi na sa kung ano-ano
Kung 'di sa mga salita Mo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo
Panginoon, ako'y sabik sa 'Yo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar