Walang aminan Bawal 'yan sa larong sinimulan natin Walang bibigay, walang mahuhulog Walang matatapilok 'Pag may nagtanong, aba, aywan ko Basta sagot ko, "Wala 'kong gusto sa 'yo" Pero walang aminan, paninindigan Gusto kita, pero walang aminan ♪ Walang aminan, 'di ba ikaw nagpasimuno? Oh, bakit kung tumitig, ganyan? Magpaparamdam, mang-iiwan sa ere Kinabukasan ay gano'n na naman Isa pang "I love you as a friend", babatukan na kita Pero palaban ako, mahal din kita Pero walang aminan, paninindigan Gusto kita pero, walang aminan ♪ Walang aminan, walang magsasawa Madalas wala, minsan nariyan Walang seryosohan, walang iiyak Walang balak magkatuluyan Tipong "Parinig naman ng boses mo, miss na rin kita" May atraso ba sa 'yo? Nagpapa-miss ka ba? Pero walang aminan, paninindigan Gusto kita, pero walang aminan ♪ 'Pag may nagtanong, aba, aywan ko Basta sagot ko, "Wala 'kong gusto sa 'yo" Pero walang aminan, paninindigan Gusto kita, pero walang aminan