Hmm, hmm ♪ Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya? Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan Mananatili ang pinagsamahan Tandang-tanda ko pa, unang araw sa eskuwela Halong tuwa't kaba ang nadama Lahat nagpakilala, kanya-kanyang istorya Ngunit tanging sa 'yo lamang nabihag ang mga mata Binaling ko man ang tingin para kilig ko'y 'di mapansin Ngiti sa labi ko'y ikaw salarin Agad nagka-in love-an, dal'wang magkaibigan Napahingang malalim (hay), 'di malimot ang Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya? Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan Mananatili ang pinagsamahan Tinaga pa sa bato, pangalan ko at pangalan mo Hanggang wakas na ang tambalang ito 'Di sukat akalain, mag-iiba ang hangin Pinaglayo man ng tadhana'y tiyak ikaw pa rin Lumipas ang mga taon, marami man ang nagbago Puwera na lamang ang pagtingin ko sa 'yo Araw-araw sasariwain, pinagsamahan natin Ipipikit mga mata't hahayaang magpadala sa Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya? Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan Mananatili ang... ♪ Hindi ka man katabi sa dulo ng paglalakbay Nawa ay masaya ka't kailan ma'y 'di nalulumbay Ang puso ma'y nagkubli, ikaw lang ang sinisigaw Magbago man lahat, pag-ibig ko'y tanging ikaw Alaalang nilikha, masasariwa pa kaya? Mga kuwentuhan at tawanan, nawa'y 'di malimutan Mag-iba man ang ihip ng hangin na ating daraanan Mananatili ang pinagsamahan La-la-la-la-la, la-la-la La-la-la-la, la-la-la