'Tong alay kong harana, para sa dalagang Walang kasingganda, amoy-rosas ang halimuyak Kung nanaisin ng tadhanang mapanlinlang 'Di hahayaang mawala pa 'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha Hiling ko lang naman na Tayo na sanang dalawa ang siyang huli at ang umpisa Papatunayang ang unang pag-ibig ay 'di mawawala Nakailang tula na, ba't tila 'di napupuna? Ang tangi kong hiling, hanggang dulo, ikaw ang kapiling Kung puwede lang, hanggang pangmagpakailanman Hinding-hindi na papakawalan kailanman Ang dating tamis ng pagsasama, nasa'n na? Ba't sa 'ting dal'wa, ako na lang ang natira? Tinig mong kay ganda, maririnig pa ba? Handang tahaking mag-isa kahit wala ka na ♪ Kung nasa'n ka man, nawa ay masaya ka na Kahit na 'di na tayo magsasama pa Dinggin mo lang ang hiling na mag-iingat ka Oh, Leonora kong sinta, ah Hindi man tayong dalawa ang siyang huli at ang umpisa Liham ko ma'y matatapos na, pag-ibig ko'y habang-buhay na Doo-roo-roo-roo-doo-roo-doo-roo-roo-roo-roo Doo-roo-roo-roo-doo-roo-roo-doo-roo Doo-roo-roo-doo-roo-roo-doo-doo-doo