Maraming kasali na di ako maunawaan (Maunawaan) Di dahil sa sulat kundi dahil walang pangalan (Walang pangalan) Aminadong hindi pa plakado sa nilalakaran (Nilalakaran) Binabagtas ko lang ang mga pinakinabangan ng minsan kong Hinangaan kapalaran para sakin din ba to? Pero bakit parang sa mali lang nakaabang mga mata niyo? Akala ko ganun lang kadali na tagumpay ay matamo Mas pahihirapan ka palang umakyat ng mga hindi makaabot Kahit hindi ka patapon nakahanda yung asarol Isang maling sagot baon Saan nga ba ako dadalhin ng aking pangarap? (Aking pangarap) Ano ang sagot sa tanong na aking hinahanap? (Aking hinahanap) Ano pa ba ang kailangan isagad at dumanak? Para tuluyan ko na maramdaman ang ginhawa Ako yung tipong malabong magustuhan ng masa Pero ako din yung tipon di pabuhat saking mga kasama Tumanda na sa talento umaasa Ulong pang itaas ang aking mas pinapagana dahil Walang nakikinig miski mga kadugo ko di nabibilib Akala ko walang sagot kaya umiiling Kaharap pala ako kaya di umiimik Disiotso sumampa, umaawit kahit hindi ko kanta Nagpapalawig upang tunog humambalos sa mga Edad lang ang tumanda Kaya kahit sumusobra bakit kulang pa Andiyan sila sayo para hatulan ka Ngunit walang dahilan para ako ay tumigil Kahit lahat pa kayo ay umamba (Pah!, pah!, pah!) Saan nga ba ako dadalhin ng aking pangarap? (Aking pangarap) Ano ang sagot sa tanong na aking hinahanap? (Aking hinahanap) Ano pa ba ang kailangan isagad at dumanak? Para tuluyan ko na maramdaman ang ginhawa Tumibay aking haligi sa binabato niyo sakin (Aha) Kasalanang inungkat ay lalo sakin nagpalalim Di lahat tinatanggap sa kung ano mang nakahain Dahil madalas sa pain ay meron diyang nakakawit Sa aking pag titiyaga, mapapalaban pero may mapapala Nadadapa na parang batang di nadadala dahil kalamangan Koy di ako umaayaw Hanggang sa inunawa na ang tunog ko ng buong bansa Sa bawat tao'y meron na ako mabuting bansag Sa kultura'y nagkaroon narin ng munting ambag Ang aking mga inipon hindi na nakatambak Salamat sa aking sarili dahil nga lumalaban ka Marahil yung iba patuloy umaangal pa Habang yung pangalan ko ay kumalat na Hawak hawak ko na ang aking mga pangarap Nakuha ko na ang sagot na kay tagal kong hinanap Purong pag ibig lang pala dapat ang ialay Salamat at naramdaman ko narin ang ginhawa