Ayy
Whoa, whoa, yah
Check it, mmm, mmm
Ilang taon na rin ba'ng nakalipas?
Marami-rami na rin ating dinanas, yeah
Kahit pa ngayo'y sa mesa'y walang peras
Nanatiling matatag at kailanma'y 'di tayo nawalan ng pag-asa
Dahil ang tunay na ligaya (yah, yah)
Ay 'di mo makikita (nah, nah)
Ito lamang ay madarama
Kung mayroong kapayapaan sa bawat isa
Halina, iyong pakinggan ang tamis ng katahimikan
Dinggin mo ang bawat tibok ng pusong nagmamahalan
Maligayang Pasko sa mga kaibigang totoo, oh
Maligayang Pasko (oh-whoa-whoa, oh-whoa-whoa)
Maligayang Pasko sa pamilya ko na laging suportodo
Maligayang Pasko sa mga mahal ko, mahal mo (yeah)
'Di na malamig ang Pasko ('di na)
Nagbati na nga rin kami ng nakalipas ko
'Di na ba natuto? Kesyo ma-keso (weh, 'di nga? Let's go)
Ba't 'di mo samahan ng puto? Sabay kainin mo 'yung ego
Kasi 'di na uso sambakol na nguso
Iwasan niyo na rin nakakunot inyong mga noo
Dahil alam ko balang araw titigil ang mundo
Walang saysay ang magkimkim ng galit sa 'ting puso
Dahil ang tunay na ligaya (yah, yah)
Ay 'di mo makikita (nah, nah)
Ito lamang ay madarama
Kung mayroong kapayapaan sa bawat isa
Halina, iyong pakinggan ang tamis ng katahimikan
Dinggin mo ang bawat tibok ng pusong nagmamahalan
Maligayang Pasko sa mga kaibigang totoo, oh
Maligayang Pasko (oh-whoa-whoa, oh-whoa-whoa)
Maligayang Pasko sa pamilya ko na laging suportodo
Maligayang Pasko sa mga mahal ko, mahal mo
Hey, alam niyo bang kayo lang ang natatanging ligaya ko?
Hey, mahal, sa puso, ang tanging hiling ko'y kasiyahan niyo
Ngayong Pasko, whoa
Maligayang Pasko (hey, let's go)
Maligayang Pasko (oh, oh, oh)
Maligayang Pasko (maligaya, maligaya)
Maligayang Pasko (maligayang Pasko, oh, ooh, ooh)
Maligayang Pasko sa mga kaibigang totoo, oh
Maligayang Pasko (oh-whoa-whoa, oh-whoa-whoa)
Maligayang Pasko sa pamilya ko na laging suportodo
Maligayang Pasko sa mga mahal ko, mahal mo
Ooh, no, oh, yeah-eh, yeah-eh
Maligayang Pasko
Maligaya, maligaya, maligaya
Ma-ma-maligaya, maligayang Pasko
Поcмотреть все песни артиста