Tatlong oras bago sumikat ang araw Dumadalas-dalas ka na sa pagdalaw Damang-dama ang kadiliman sa aking silid Mga lamanloob sa takot nanginginig Isang sikretong matagal kong tinago Isang multo'y aking naging kalaguyo Pinapasok ko sa aking tahanang ngayo'y Nilalangaw at pinamumugaran mo Higpit ng yakap mo Sagad hanggang buto Pinagbabawal na pagibig to Kalokohang nilalason na ang utak ko Wasakin ang kapit sa kaluluwa Nasasakal na ko sa kadena Namamagitan sa 'ti'y tapos na Lumayas ka multo paalam na Kung ano ano pumapasok sa isipan Halo halo nais ko nang magpatiwakal Multo ng nakaraan pabalik balik Ang puso ko ngayoy tila bulok, napapanis na Higpit ng yakap mo Sagad hanggang buto Pinagbabawal na pagibig to Kalokohang nilalason na ang utak ko Wasakin ang kapit sa kaluluwa Nasasakal na ko sa kadena Namamagitan sa 'ti'y tapos na Lumayas ka multo paalam na Kung nakikinig ang hari sa langit Puksain ang pagsisisi at galit Ilibing na sa impyerno ang sumpa Lumayas ka multo paalam na Maglaho ka aking sinisinta Magtilang abo sa hangin! Wasakin ang kapit sa kaluluwa Nasasakal na ko sa kadena Namamagitan sa 'ti'y tapos na Lumayas ka multo paalam na Kung nakikinig ang hari sa langit Puksain ang pagsisisi at galit Ilibing na sa impyerno ang sumpa Lumayas ka multo paalam na...