Sa unang tingin, agad na nahumaling Sa nagniningning mong mga mata Ika'y isang bituin na nagmula sa langit Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi Sadya namang nakakabighani 'Di maipaliwanag ang nararamdaman Namumukadkad ang aking ligaya Sa tuwing ika'y papalapit na Hawakan mo ang aking kamay Oh, Paraluman Ika'y akin nang dadalhin sa 'Di mo inaasahang paraiso (paraiso, oh-oh) Palagi kitang aawitan ng Kundiman 'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan (oh-oh, oh-oh) Mga gunita na laging naiisip (naiisip) Sumisilip (sumisilip) ang itinakda ng mahiwaga Liwanag na dulot mo, nagbigay-sinag sa madilim kong mundo Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling Sumisiping ang buwan at mga bituin Na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan (kalawakan) Namumukadkad ang aking ligaya Sa tuwing ika'y papalapit na Hawakan mo ang aking kamay (hawakan ang aking kamay) Oh, Paraluman Ika'y akin nang dadalhin sa 'Di mo inaasahang paraiso (paraiso, oh-oh) Palagi kitang aawitan ng Kundiman 'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan (Oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh) (Oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh) (Oh-oh, oh-oh, oh-oh, oh-oh) ♪ Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na (tumutugma) Himig ng tadhana Sa atin ay tumutugma na (tumutugma) ♪ Oh, Paraluman Ika'y akin nang dadalhin sa 'Di mo inaasahang paraiso (oh-oh) Palagi kitang aawitan ng Kundiman 'Di magsasawa, 'di ka pababayaan Isasayaw kita, mamahalin kita Hanggang sa walang-hanggan