Kahapon lang, nagbigayan ng ngiti at pag-asa Nagsumpaang habang-buhay magiging isa Nangarap at naniwala, tumingala sa mga bituin Hawak-kamay, nangakong ang bukas ay sabay haharapin Bakit ngayon, parang tumatalikod na? Ningning sa mata'y tila para sa iba Bakit hinahayaang may pusong nasasaktan? Dating masayang mundo'y gusto na bang talikuran? Pagmamahal na pinanghahawakan Paano ba ipaglalaban? Mga alaalang naiwanan Paano ba matatakasan? Hanggang dito na lang ba ang walang-hanggan? Ganito ba talaga kasakit magbiro ang tadhana? Maiiwanan lang bang nagbabaga ang mga luha? Mga pagod na puso, sana'y maturuan Hanggang dito na lang ang walang-hanggan (Pagmamahal na pinanghahawakan) (Paano ba) ipaglalaban? (Mga alaalang naiwanan) (Paano ba matatakasan?) Pagmamahal na pinanghahawakan Paano ba ipaglalaban? Mga alaalang naiwanan Paano ba matatakasan? Hanggang dito na lang ba ang walang-hanggan?