Kishore Kumar Hits

Shalom Singers - Muntinlupa şarkı sözleri

Sanatçı: Shalom Singers

albüm: Isang Dakot Ng Kanyang Himala


Pambansang piitan
Muntinlupa ang pangalan
Sa mata ng lipunan,
Puro ka lang kaguluhan
Naging paksa ka ng usapan
Laman ka ng mga pahayagan
Ano ang 'yong naging katanyagan?
'Di ba pawang kasamaan?
Muntinlupa, O Muntinlupa
Labis ka nang hinamak ng madla
Ngunit nang si Jesus sa 'yo'y naghimala
Mga taong nasa laya ay namangha
Muntinlupa, o Muntinlupa
Pook ka ngayon ng hamon at pagpapala
Mga bilanggong dati nga ay masama
Ngayo'y naghahayag ng mabuting balita
Pambansang piitan
Pook na aming kinasadlakan
Ng dahil sa kasalanan
Sa Diyos at sa lipunan
Ngunit dito sa bilangguan
Natamo namin ang kaligtasan,
Kagalakan, kapayapaan,
Buhay na pang walang hanggan
Muntinlupa, o Muntinlupa
Sa ngalan ni Jesus, ikaw ay naging payapa
At tulung- tulong ang mga mananampalataya
Sa pagpupunla ng kanyang salita
Muntinlupa, o Muntinlupa
Jerusalem ka pala na mga pinagpala
Pook na dati ay aming kinahihiya
Ngayo'y aming dinadakila
Muntinlupa, O Muntinlupa
Labis ka nang hinamak ng madla
Ngunit nang si Jesus sayo'y naghimala
Mga taong nasa laya ay namangha
Muntinlupa, o Muntinlupa
Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
Pook na dati aming kinahihiya
Ngayo'y aming dinadakila
Muntinlupa, o Muntinlupa
Jerusalem ka pala ng mga pinagpala
Muntinlupa, o Muntinlupa
Jerusalem ka pala ng mga pinagpala

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar