Katulad ng banayad na simoy ng hangin Haplos Mo'y 'di napapansin Subalit pa'no ko malilimutan? Ang hatid Mo sa puso ko ay kapayapaan Ang buhay kong nagdusa sa gitna ng dilim Pinalaya ng liwanag Mong nagniningning At ang init Mong dalisay, pumapawi ng lamig Ngayo'y batid kong Ikaw ay pag-ibig Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang dalisay na pagmamahal Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla Nagpapakilos sa puso upang magmahal Salamat, Espiritung Banal ♪ Katulad ng banayad na buhos ng ulan Sa 'Yo'y aking natagpuan Masaganang tubig na bumubukal Sa pusong nauuhaw, hatid Mo'y pagmamahal At sa bawat sandaling aking kasama Ka Ang init Mo'y aking damang-dama Sa 'king galak at luha ay kapiling kita Pag-ibig at Ikaw ay iisa Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang dalisay na pagmamahal Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla Nagpapakilos sa puso upang magmahal Salamat, Espiritung Banal Buhay Mo'y buhay ko ngayon Maghatid ng pag-ibig Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang dalisay na pagmamahal Salamat sa 'Yo, Espiritung Banal Ikaw ang apoy na nagbibigay sigla Nagpapakilos sa puso upang magmahal Salamat, Espiritung Banal Salamat, Espiritung Banal