I. Isang gabing maalingsangan, Na tila may nagbabantang ulan. Nakatanaw sa dagat na hindi tumitinag, Walang hangin o buwangs maliwanag. II. Katawang pagod, pusong malungkot, Pinapapak pa ng lamok. Ang tanging kaulayaw ko'y serbesa at gitara, At ang pulutan ko'y buntong hininga. Sa mga gabing tulad nito, Sarili ko'y tinatanong, nagkamali ba ako? Ayaw kong matulog dahil alam ko Katulad ng ibang gabi unan lang ang yakap ko. III. Umaga ba'y kailan sasapit? Hanggan kailan kaya mamimilipit Mga piping saksi'y dingding ng aking silid. Sa 'king buntong hiningang walang patid. IV. Meron bang pusong 'di nalulungkot? Meron bang pusong di natatakot? Payag na ako kung paghahangad magwawakas Sa kagandahang kailanma'y di kumukupas. Minsan nang ako ay nagpasya, At alam kong iyo'y di pangsamantala Di ako nagsisisi, ang tangi kong sinasabi Katulad mo, marunong din akong. . . BumuntongHininga Pumapatak na ang ulan Ang hangin ako ngayo'y hinahagkan Ipipikit na ang mata at sa aking paghiga. . . Huhugot ng isang buntong hinihga.