Kishore Kumar Hits

Hangad - Tatay şarkı sözleri

Sanatçı: Hangad

albüm: Hangad Kong Pasko


Ang isip, ang sabi, "Hindi para sa akin 'to."
Ang isip, ang yakag, "Maaari pa 'kong lumayo."
Inaamin ko sa 'king panaginip,
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik.
Ngunit bakit ngayon, ako'y nananabik
Na ika'y aking kalungin?
"Tatay" ang 'yong tawag sa akin.
Ang puso, ang kabig, "Akong magtatanggol sa 'yo."
Ang puso, ang pilit, "Ako'y maging sandalan mo."
Inaamin ko sa 'king panaginip,
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik.
Ngunit bakit ngayon, ako'y nananabik
Na ika'y aking kalungin?
"Tatay" ang 'yong tawag sa akin.
Ang langit, ang bilin, "Hinihintay ka ng mundo." (Hinihintay ka!)
Ang langit, ang awit, "Dakila ang pangalan mo." (Emanuel!)
Inaamin ko sa 'king panaginip,
Nayanig ang buhay kong dati'y tahimik.
Ngunit bakit ngayon, ako'y nananabik?
'Di ka man sa akin galing,
"Tatay" ang 'yong tawag sa akin.

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar