Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Magalak ngayo't magdiwang, Mga anghel na kinapal, lahat tayo'y mag-awitan: Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Tambuli ng kaligtasan mag-hudyat ng kagalakan magsaya ang sanlibutan. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Hinirang na sambayanan bumubuo ng Iglesya magsaya sa kaningningan. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Ating puso at isipan itaas sa kalangitan ang Ama'y pasalamatan. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Ngayon na ang kapistahan ng Panginoong namatay ukol sa ating kalayaan. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Ngayon nga ang pagdiriwang ng muli Nating pagsilang sa tubig ng kaligtasan. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Diyos Ama ng sanlibutan, Pag-ibig Mo't katapatan kapatawaran sa ami'y bigay. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Hain naming itong ilaw sagisag ng matagumay na Anak Mong minamahal. Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan Si Kristo ay muling nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan