Kaybuti ng Panginoon Ang tulad ko'y binigyan N'ya ng buhay, napuno ng kulay Wala na akong mahihiling Dahil sa handog Niyang walang katulad na mga magulang Kapag ako'y nalulumbay, handa akong kalingain Kapag ako'y nagkukulang, unawa ang laan sa 'kin Salamat sa Panginoon 'pagka't binigyan N'ya ako Ng mga magulang na lubos-lubos ang pagsinta Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito Salamat, oh Panginoon para sa aking ama't ina ♪ Purihin ang Panginoon Sa buhay ng aking mga magulang 'di S'ya nagkulang Dahil sa kanilang buhay Ang aral ni Hesus ay natutunan, ipinamuhay Kaya't sa aking pagtanda, ang aral ay dala-dala Ang bilin ni ama't ina sa puso'y iuukit na Salamat sa Panginoon 'pagka't binigyan N'ya ako Ng mga magulang na lubos-lubos ang pagsinta Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito Salamat, oh Panginoon Salamat sa Panginoon 'pagka't binigyan N'ya ako Ng mga magulang na lubos-lubos ang pagsinta Katulad ng pag-ibig ni Hesus sa mundong ito Salamat, oh Panginoon para sa aking ama't ina