Bakit kailangan pag-awayan kung pwede naman pag-usapan? Kung may hindi maunawaan, ayusin natin 'yan Hindi kailangan mag sakitan, boses muna ay babaan Unawain at pakinggan, ayusin natin 'yan Pwede ba na pag usapan, bakit meron nanamang alitan? Ano ba ang pinagmulan? Sino ba ang sisisihin? Bat nagtuturuan? Halika dito at kausapin mo 'ko Pag handa na makinig sa aking sentimyento Ayaw ko ng ikaw ay ganyan 'di mapakali bagabag ang nararamdaman 'Wag mo na kong pagtabuyan, susuyuin ka't hindi iiwan Patawad kung ako man ang may kasalanan Sorry na, tinotoyo ka nanaman ba? Sige, talo na ako, 'wag ka lang mawala dito sa tabi ko Bakit kailangan pag-awayan kung pwede naman pag-usapan? Kung may hindi maunawaan, ayusin natin 'yan Hindi kailangan mag sakitan, boses muna ay babaan Unawain at pakinggan, ayusin natin 'yan Pwede ka bang makinig sa mga paliwanag ko? Kapag sa 'yo nanginginig, namumutla, nalilito Dahil hindi naman ako sanay na nagkakaganto Ikaw lamang ang nag-iisang babaeng sinanto Inalayan ng oras at pagod para lang makuha Ang 'yong matamis na oo, mahal 'di ka na luluha Ngunit tila pagkatapos ng lahat nakakalula Ang malalim na balong hinukay sa iyong tiwala Pag kasama ko ang tropa sa 'yo laging may iba Parang si Aga Mulach, 'yung karisma tapos todo pa Kahit na sa lotto pa manalo 'di pagpapalit Ikaw lamang ang nag-iisa't wala nang hihigit Mga oras na gulong-gulo sa buhay at Wala pa mga plano at pangarap ko lamang ay makasama Ang ikaw na tunay na nagbigay sa 'kin ng ligaya Kaya ayusin na natin 'to, ayokong mawala ka Bakit kailangan pag-awayan kung pwede naman pag-usapan? Kung may hindi maunawaan, ayusin natin 'yan Hindi kailangan mag sakitan, boses muna ay babaan Unawain at pakinggan, ayusin natin 'yan Bakit kailangan pag-awayan kung pwede naman pag-usapan? Kung may hindi maunawaan, ayusin natin 'yan Hindi kailangan mag sakitan, boses muna ay babaan Unawain at pakinggan, ayusin natin 'yan