My Filipina - Lance Santdas Oh isang dalaga Ang nasulyapan sa malayuan Hindi ko mawari 'Di ka maalis sa kaisipan Pwede bang malaman Ang 'ngalan at ang iyong pinagmulan Ikaw ba si Maria? Pahinga sayo ko'y nararamdaman Para kang Perlas Ang halaga mo'y hirap matumbasan Sa silanganan Dun lang pala kita matatagpuan Ano mang dayalekto Tagalog, bisaya o chavacano 'Di papaapekto Aaralin kahit dumugo man ilong ko Haharanahin kita Ipagluluto ka pa Sa 'kin palagi ka lang masaya Ibang klase talaga Ang Filipina Napakaganda mo Walang laban kahit pa na sino Itapat sa iyo Beauty mo'y angat sa buong mundo Oh Filipina My morena Probinsyana O taga-Manila Reyna ng buhay ko Handa kong ibigay lahat sayo Kahit saan ka pa nagmula ay ayos lang yan Luzon, Visayas, Mindanao Ikaw ay pupuntahan Lalakbayin Lahat ay aking susuungin Umulan man o umaraw Asahang makakadating Nabihag sa unang tingin Mga mata mo na nagniningning Lakas ng dating Ramdam kita kahit na nakapiring Kahit saan mo dalhin Kahit ano ang gawin 'Di mo makakaila Na ikaw ay may taglay na galing Natural na ganda Alagang kakaiba Ugaling pasok ay Lola Ibang klase talaga Ang Filipina Napakaganda mo Walang laban kahit pa na sino Itapat sa iyo Beauty mo'y angat sa buong mundo Oh Filipina My morena Probinsyana O taga-Manila Reyna ng buhay ko Handa kong ibigay lahat sayo