Dugo't pawis Puhunan pagkat salapi ay salat, pudpod na ang lapis Ngunit 'di tumigil kumayod pagkat nangarap ng labis Kaya kinilusan maigi Kalaban sarili hindi nawiwili malawak ang gubat tatakbo ang tigre Napapagod lang pero bukas sasalang ulit Konting kape pag napipikit bago tumamis tiyak may pait Lumalaban lang kahit na malakas man ang alon Malakas kaya hinahamon pataas kaya umaahon Kahit na mahirap 'Di natinag sa mga sinasabi nila nakailag Malaya na at lumilikha na Samahan ng respeto at pakikisama Hindi nanghila, magandang karma Laking pasasalamat sa mga kasama Mula nu'ng una hanggang magbunga 'Di malilimutan ang aking pamilya, uh Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Ang layo na ng narating Pero 'di ko malilimot mga unang naniwala Nu'ng ako'y nagsimulang mangarap Nu'ng wala pa sa 'kin pumapalakpak Hinarap ko lahat aking sinabak Mahirap pero 'di 'to nagpatinag Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Malayo man ang marating Hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala Maraming nanghila (Maraming nanghila) Ewan ko kung bakit? (Ewan ko kung bakit?) Mga pabida (Mga pabida) Puro panlalait (Puro panlalait) Sige halika (Sige halika) At sa 'kin lumapit (At sa 'kin lumapit) Aking papakita na kaya ko kahit maraming pasakit tagumpay sasapit Merong naniwala meron ding ayaw Meron nagtiwala sa 'kin balang araw Kaya ko raw abutin ang pangarap pag humataw 'Wag ka lang puro hiling pagdating ng bulalakaw Sali sa contest, todo ang boses, minsang naluto, minsang natolongges Madalas matalo pagkat walang alipores Ni hindi pa nga kilala mula Lopez hanggang Torres Pero tumuloy kahit merong kumunoy Hinarap ko ang mga balakid naniwala sa sarili Kahit na hilahin ako ng mga kapwa Pinoy Sinabihan ako ng mahina ng mga rapper na masiba Pero 'di ko pinatay 'yung kandila balang araw ako na muka ng bandila Malayo pa pangarap, bawal huminto magsawa Salamat sa suporta, gasolina ng bangka Salamat din sa duda tsaka sa 'di namangha Focus sa sarili at gawa lang ng gawa Inaakit ambisyon, tagumpay ang siyang maghahari Ang misyon magpasaya upang pagod ay mapawi Haluan ng dedikasyon habang lumalagari Hindi ako papayag na hindi 'to mangyayari Pangkat aangat kahit sino umawat Sa bawat sapak lalong tumatatag 'Di raw sapat aking kapasidad Ang aking hangad sa isip tinatak Inilahad aking abilidad kahit 'di na masulat sa sobrang bigat Mm13, mahirap mahanap lahat ay ginto parang 24 karat Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Ang layo na ng narating Pero 'di ko malilimot mga unang naniwala Nu'ng ako'y nagsimulang mangarap Nu'ng wala pa sa 'kin pumapalakpak Hinarap ko lahat aking sinabak Mahirap pero 'di 'to nagpatinag Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Malayo man ang marating Hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala Labing tatlo ang edad ko nu'ng panahong ginusto ko 'to Sinong mag-aakala na 'di titigilan Ng batang paslit pa noon ang gawaing ito Oo talagang nakakabigla Ang pagkahilig ko nu'n sa tula, mga salita na magkatugma Nakakatuwa 'yung mga papuri, pero hindi nawala yung kutya 'Di naman daw kasi bagay sa akin Mas bagay pa daw 'yung wrapper ng lumpia Tsaka malamya daw payat daw ako, 'di daw bagay mag malaman Pero ang 'di ko lang maunawaan ay bakit iba ang nararamdaman? Imbis mawalan ng gana ay parang merong gasolina na na-apuyan 'Di na napigil ang alab ng aking talento sa musika naidaan At nakadaan ng 'di nahirapan sa delikado na talahiban Habang nagkaka-edad ay nadadagdagan pa Ang lawak ng kapasidad ng abilidad Bago ko wakasan, nais ko muna na magpasalamat Sa mga taong nagsilbing guro, kasama sa pagbuo ng pangarap Hanggang paglapat, sinisiguradong may amat Mga pursigido na imbis bisyo tanging mikropono lang ang hawak Kaya sa pag-apak sa mundo na 'to kahit pagapang aabante ako Pag lagapak pagpag sabay tayo Sasabayan kahit anong bagyo Ayos lang kung minsan mapalayo Kung ang resulta nito'y pag lago Madalas pa nga sabihang payaso kasi gusto gumawa ng palasyo 'Di 'yon malabo, linawan lang ang pang-unawa Kilusan agad oportonidad, iwasan mo ang pagtunganga Bangon sa kama, luho tyaka na Laging isipin 'di ka pa sagana Tuloy-tuloy lang sa pag arangkada Kapit mahigpit at 'wag kalimutan na Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Ang layo na ng narating Pero 'di ko malilimot mga unang naniwala Nu'ng ako'y nagsimulang mangarap Nu'ng wala pa sa 'kin pumapalakpak Hinarap ko lahat aking sinabak Mahirap pero 'di 'to nagpatinag Tumingin sa salamin Ikaw pa ba ang nakikita? Malayo man ang marating Hinding hindi ko malilimot mga unang naniwala