Uh, minsan ikaw ba ay nagtataka kung bakit tayo nilisan Ng mga minahal natin ng buong puso't isipan Butas natin na mahirap na s'yang muling takpan Sa sitwasyong alam mong wala kang kalalagyan At masasabi mong 'di mo na kayang balikan Uh 'yung mga pangyayari Dati ngayon ayaw mo na muling mangyari Natutunan mong aral 'di pa solidong pangyayari 'Pag may makakaisa pa nakupo, yari iniisip mo na baka 'di mo kakayanin Ang sampal na suliranin Akayin man ng matibay mo na damdamin wala rin Huminga ka ng malalim at kung ang duda sa utak mo ay 'di ka lilisanin Sabihin sa 'kin dahil Kung dahan-dahan nating simulan Muli ang paghakbang (muli ang paghakbang) Dahan-dahang tumingin sa salamin Upang makita ang ating kagandahan Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang payapang kalangitan Oo, pagod ka na Pero hindi ka nagiisa Hindi ka nagiisa Hello! (Hello) Hindi lang ikaw ang may katanungan I said "eyo" (eyo) Na sa 'yo pa rin ang tamang kasagutan Not to lay-low Kung 'di na kaya ay wag ng pagpilitan pa May bukas pa upang ika'y muling makapag umpisa Ito na nga ang nangyari (ito na nga ang nangyari) Natupad na ang pinapangarap kong mangyari (natupad na ang pinapangarap kong mangyari) 'Pagka't natuto na ko sa mga pangyayari ('pagka't natuto na ko sa mga pangyayari) Pare, grabe (pare, grabe) Kaka-trauma nga, muntik pa ko mayari, ah Akala ko 'di ko kakayanin (akala ko 'di ko kakayanin) Ang sampal na suliranin (ang sampal na suliranin) Tinibayan ko pa lalo (tinibayan ko pa lalo) Ang bakal ko na damdamin (ang bakal ko na damdamin) Huminga na ng malalim (huminga na ng malalim) Sinisid ko ang ilalim (sinisid ko ang ilalim) Hinugot ko ang pasanin (hinugot ko ang pasanin) Yung sa 'yo rin ay ating alisin (yung sa 'yo rin ay ating aalisin) Kung dahan-dahan nating simulan Muli ang paghakbang (muli ang paghakbang) Dahan-dahang tumingin sa salamin Upang makita ang ating kagandahan Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang payapang kalangitan Oo, pagod ka na Oo, pagod ka na Pero 'di ka nagiisa 'Di ka nagiisa Huwag papalamon sa lungkot Huwag hahayaang malugmok Ang puso mo sa ibabato sa 'yo ng iba Dahan-dahang tanggalin ang maskara at Hayaang tumulo ang bumabadyang mga luha Dahan-dahang iangat ang mukha Upang masilayan ang mga taong ika'y pinapahalagahan Oo, pagod ka na Pero 'di ka nag-iisa ('di ka nag-iisa) Kaya't lumaban ka (kaya't lumaban ka) At sabihing (at sabihing) "Ako naman muna" La, la La, la, la, la, la La, la La, la, la, la, la