Kishore Kumar Hits

CLR - Ps şarkı sözleri

Sanatçı: CLR

albüm: Ps


Bihasa sa bakbakan 'to, gamit lang ay ang aking pasensya
Katuwang nito'y pagpupursige at nang aking makamtan ang goodies
Na nakalaan para sa 'kin, P.S. 'yung para sa 'kin
P.S. 'yung para sa 'kin, P.S. 'yung para sa 'kin, uh
Tuloy ang atake, bagong taon na naman, lalong gagalingan
Tuloy ang abante, nasimulan ko na 'gang sa magkatapussan
Ikumpara mo dati, laging 'la sa mood, 'pag sa gera ay laging talunan
Ngayon ay nag-aabang ng aking panalo kahit pa puyatan, get it?
Sa tuwing lumalalim na nga ang gabi
Aking Ongchingco lang ang katabi
Panatag at 'di nagmamadali
Mawalan man ako ng salapi
Mananatili siya sa 'king tabi
Mga palad lamang ang siyang nangangati
Tiyak ang wagi, kinabukasan ay tiyak ang wagi
Sa mga humihiling sa karera ko na humimlay
Nakatayo pa rin ako sa inyo at kumakaway
At flex, flex, flex, dahil ako'y blessed, blessed, blessed
P.S. (skirt) kukunin ko ang para sa 'kin
Akin na 'yung para sa 'kin, akin na
Walang B.S. (skirt) kukunin ko ang para sa 'kin
Akin na 'yung para sa 'kin, akin na
Gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Kulang kung walang kasamang kilos ang yabang
Hindi lamang sa suntukan ang tapang
'Ko'y halos magkakuba-kuba
Bawas lang sa salita, alam ko ang para sa 'kin
'Di na natin na kailangan pang simulan pa sa bilangan
Alam mo ang iyong nagawa, ano'ng napala sa tinungtungan
Laging tanong ay kung ano ba ang siyang tunay mong nararamdanan
Teka, masaya ka pa ba? Sige lang, kaya ko pa, hehe
Laos na 'yang si Gloc, di na 'yan makakatatak sa mga bago na track
Kita mo sa show ay wala nang pumapalakpak
'Di na nakakasabay 'pag may bagong naglagay, mga walang kapantay
Nakalimutan niyo na ba nang tumalon ako sa bangin ay patay kung patay (patay kung patay)
Ikaw at walang iba ang may hawak ng biyahe mo
Simulan mo lamang, alam naman natin ang dulo
Ano man ang itaya, sa kadiliman kumapa
Kahit may'ron man o wala, palaging may mapapala
Kasi alam mo na walang iba kundi ikaw
Ang nakakita ng hanap nila kaya 'di bumitaw
Inalagaan nang mabuti simula nang 'yong mahuli
Hindi bale nang malugi, na sa 'yo naman ang susi
Na iniingat-ingatan nang magamit mo sa laban
Lahat ay para sa 'yo
P.S. (skirt) kukunin ko ang para sa 'kin
Akin na 'yung para sa 'kin, akin na
Walang B.S. (skirt) kukunin ko ang para sa 'kin
Akin na 'yung para sa 'kin, akin na
Gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)
Ang gusto ko ngayon na (ang gusto ko ngayon na)

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

1001

2022 · mini albüm

Benzer Sanatçılar