Kishore Kumar Hits

esseca - Paalam şarkı sözleri

Sanatçı: esseca

albüm: Paalam


Hala, sa mundo ay
Pagkatagal-tagal kong hinintay ang pagkakataong ito
Pero bakit tila pinagbaliktad ang magkabilang mundo
Mundo nating dalawa sana'y 'di nalang pinagtagpo
Mga alaalay 'di mabura sa isipan ko
Bakit ganito?
Tuwing naririnig ang boses mo
Ang pagpatak ng mga luha'y dire-diretso
Patawad sana sa aking mga nagawa
Ngayon alam ko na kung bakit ka nagsawa
Ngayon nag-iisa
Sa aking kwarto, hindi alam kung anong salita
Ang dapat kong sabihin para mawala
Ako sa mundong 'to
Bakit ganito?
Ako ay susuko, 'wag ka nang sumuyo
Ako'y lilisan na, papalayo
Paalam, paalam, paalam na
Paalam, paalam, paalam na
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Pero bakit tila
Pinaglaruan lang tayo ng tadhana?
Sa panahon na 'di maalaga
Bakit parang 'di mo maalala
Ako lang ang lalaki sa isipan mo?
Ngayon binilang ko
Bakit parang tatlo na kami dito?
Sa puso mo
Sa puso mong wala man lang espasyo
Sabi mo ako lang ang mahal mo
Pero parang gago
Ikaw ay nagtatago
Merong panibago
Ilang buwan ang lumipas
Tila 'di ka parin malimutan
Kung pa'no nga ba tayong dalawa nasayang
Bagong-bago pero ba't kailangan palitan?
Nag-iiwasan
'Di ko matiis, pwede ka bang tawagan?
Ngayong gabi, ikaw ang kailangan
'Di na makabangon
Kay bilis naman lumipas ng panahon
Hi, my love, stay faithful there and go back to sleep already
Hi, my love, stay faithful there and go back to sleep already
(Siguro nga hindi pa tamang oras para tayong dalawa'y mag-usap) Hi, my love, stay faithful there go back to sleep already
(Hindi ko din alam kung ba't bigla nalang nawala ang mga pangarap) Hi, my love, stay faithful there and go back to sleep already
Bakit ba palagi na lang ako sa 'ting dalawa ang naghihirap?
Pa'no mo ko binitawan na para bang basura sa isang iglap?
Gabi-gabi'y umiinom, sigarilyong almusal sa umaga, problema
Hanggang dito na nga lang ba?
Wala nang natitirang pag-asa
Mala libro na 'di natin mabasa?
Kay tagal-tagal, nakapikit pa rin ang 'yong mga mata
Tayong dalawa'y 'di na masaya
'Di na aasa na babalik ka pa
'Wag na 'kong isipin
Ito ay lilipas din
Pangako sa akin
Kakalimutan ko na rin
Mga salitang binitawan
Ba't pati ako aý binitawan?
Bigla na lang nang-iwan
'Di na ipagpipilitan
Basta't pinagsawaan
May iba ka nang sinasamahan
May iba ka nang sinasamahan
May iba ka nang sinasamahan
Paalam, paalam, paalam na (paalam)
Paalam, paalam, paalam na (paalam)
Hindi na, hindi na, hindi na nga
Hindi na, hindi na, hindi na nga

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar