Kishore Kumar Hits

Alisson Shore - APATYA şarkı sözleri

Sanatçı: Alisson Shore

albüm: GARUDA


Patungo sa iyo
'Di alam kung sa'n ako pupunta
'Di alam ang gusto
'Di alam
Pa'no nga ba?
'Di na ko makagalaw
Oh
Oh, kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin
Kung 'di para sa akin ay 'di na rin
Oh, kung 'di para sa atin ay 'di na rin aamin
Kung 'di para sa akin ay 'di na rin
(Oh) tama ka nga
'Di ko na karapatang tanungin kung mayro'n nang iba
'Di na rin dapat itanong sa umaga kung kumain ka na ba
'Yan na ang ating pasya
Tawag at text ay dapat nang iniinda
Pasensya na, gano'n lang talaga 'pag sanay laging kasama ka
'Di ko na saklaw ang mga bagay na ito
'Di kita pag-aari at lalong hindi naging sa 'yo
Aalagan pa rin kita sa malayo
'Yung tipong kaya ka pa ring tanawin
Kahit ilang pulgada man ang siyang abutin
Itong mayro'n tayo'y 'di ka na kaya pang sagipin
'Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin, ang damdamin ay dinadala
'Tang inang pag-ibig 'to, nakakatanga
'Di na rin para nga ako'y umasa pa
Na sati'y may posible na mangyari pa
Sa hangin, ang damdamin ay dinadala
'Tang inang pag-ibig 'to, nakakatanga
Oh, kahit anumang gawin ko ay 'di eepekto
'Yan ang galit sa puso mo
Ano ba talaga? Gusto pero may iba?
'Yoko nang maramdaman, pinipilit, bakit ba ganyan?
Wala nang kamustahan kahit magka-ilangan
Balang araw ay akin ding matututunang
Kalimutan ang lahat, parang bago na aklat
'Di ka na basa, isa kang alamat
Igihan man sa dalubwikaan ay walang mabubuklat
Patungo sa iyo
'Di alam kung sa'n ako pupunta
'Di alam ang gusto
'Di alam (oh)
Kahit saan ako tumingin
Alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
'Di na kita tatawagin at hahanapin
Sarili ko na muna ang aking mamahalin
Pero kahit saan ako tumingin
Alaala ng mukha mo lang ang kayang tanawin
'Di na kita tatawagin at hahanapin
Sarili ko na muna ang aking mamahalin
Kasi ('di na rin para nga ako'y umasa pa)
Lahat ng bagay na pinipuwersa
Madalas na nasisira
Kaya tatagay na lang sa bahay
Baka sakaling 'di na makikita
Ang alaala ng mukha mo
Masasayang nakaraan na ginawa mo
Pa'no pa 'ko lalaban kung 'di ka lalaban?
Eh, ano pang magagawa ko?
Alam ko na kung bakit ka nag-iba
'Di na kita hahabulin kung kakapit sa iba
Malamang mahihirapan na 'ko neto mag-isa
Nasanay na rin kasi ako na kasama kita
Takot ako sumugal, pero sa 'yo pumusta
'Wag ka mag-alala, 'di na ko mangangamusta
Kaya 'wag mo na sana 'kong paasahin pa
'Tang ina kasi dati, 'kala ko akin ka

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar