Lumalamig na ang hangin, ramdam ang nginig Sa aking katawan ang ginaw ang putla ng bibig Ramdam ko na ang pagtibok ng puso'y unti-unting humihinto Wala ng mga pulsong tumitibok, nalilito Ang isip ko na lang ang hindi pa rin humihinto Pero di ko alam kung ito na ba ang Tamang oras parang di pa naman Ang dami ko pang gustong magawa Pano na lang Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun Magkikita naman tayo dun sa may langit May anghel dun sabay ding umawit Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Ako'y bigla ng nagising sa tila ba isang bangungot Namataan ko si nanay na nagdarasal sa sulok Bakit may nag-iiyakan sa nakatakip na kumot At ako ay napaisip kailan ba ako natulog Bakit ba tayo nandito sinong nasa ospital Ang ginaw ng pawis ko tila hingal na hingal Painom muna ng tubig ako'y uhaw na uhaw Natulala na lang at parang di ako makagalaw Ano bang nangyari bakit ba wala kong maalala Ng biglang may bumulong sa kanya daw ako sumama Sumisigaw ako pero wala kayong naririnig Sa paghagulgol ay pangalan mo pa ang bukang bibig Ang salitang paalam ay sinasambit na lang sa hangin Lahat ng kasalanan, pagkukulang sana'y patawarin Kung panaginip lang ito gisingin nyo ko pakiusap Marami pa kong kamalian na dapat itama bukas Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun Magkikita naman tayo dun sa may langit May anghel dun sabay ding umawit Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Eto pala yun, eto pala yun Pwede bang takasan na lang ang aking sundo Ako yung nakadapong paru-paro sa balikat ng aking ina Ako yung halimuyak na sumabay sa Hangin ng naamoy nila ang amoy ng kandila Para maramdaman nyo na pinapatanggap ko na sa inyo ng matanggap ko na Na sa mundong 'to'y wala na 'di na muling babalik pa Hindi ko manlang nayakap ang aking anak at asawa Sa huling lamay lahat mag-ingay paikutin ang tagay Puso ko'y masayang alaalang babaunin sa paglalakbay Magkikita pa naman tayo sa langit Sumabay tayo sa mga anghel umawit Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Para sabihing paalam sa hanggang eto pala yun Magkikita naman tayo dun sa may langit May anghel dun sabay ding umawit Hindi ko alam kung kailan ba ang tamang panahon Eto pala yun