Ooh-ooh-ooh-ooh-ooh Parang kahapon lang nu'ng tayo'y magkasama pa 'Di maiwasan, sa gabing ako ay mangamba 'Pagkat ikaw ang nakikita ko, sa'n man tumingin Parang naaaninag pa kita sa 'king salamin Parehas tayong may kulang, 'wag na tayong magsisihan Sira na tayo, 'wag na nating pilitin pang balikan Utak ko'y 'di maayos, kahit ang daming sinindihan Kaya kung babalik ka pa, 'wag na lang Kasi baka mas lumala't magkasiraan Bumibigat lalo 'pag pinipilit mapagaan Siguro, mas nasira tayo sa mga paraan Upang 'di tayo mawala Hirap na hirap pa 'kong itago, lungkot na nararamdaman Kaya gusto ko lang mapag-isa Kahit pilitin kong baligtarin, 'yung tama ay gano'n pa rin At alam kong mahal pa rin kita Ba't 'di mo masabi sa 'kin na hindi mo na 'ko mahal? At 'di mo 'ko kayang tignan sa mata nang matagal Kabisado na kita, 'lam kong 'di ka masaya Mga nakaraan natin ay iniisip mo pa 'Di mo masabi sa 'kin na hindi mo na 'ko mahal Siguro, 'di ka pa handang mawala nang matagal Sa 'king tabi, kahit pinapakita mong may iba 'Wag mong itago, alam ko namang 'di ka masaya ♪ Naaalala mo pa ba nu'ng tayo'y magkalayo? Madalas mang mag-away, palagi pa ring sa 'yo 'Pag dumidilim paligid, sa 'yo tumatakbo Kahit papa'no naaayos utak kong magulo Ang ayos ng lahat nu'ng tayo'y magkasama na 'Di ko alam kung ba't lagi akong nagiging tanga Kapag naaalala ko lahat ng 'di magandang nakalipas Lagi ko pa rin 'yong dinadamdam Nasasaktan na din kita, kaya tinitigil ko na Kahit alam kong mahihirapan ako mag-isa Ayokong umalis ka, mahal na mahal kita Kaso ayokong makita na nadudurog ka Ba't 'di mo masabi sa 'kin na hindi mo na 'ko mahal? At 'di mo 'ko kayang tignan sa mata nang matagal Kabisado na kita, 'lam kong 'di ka masaya Mga nakaraan natin ay iniisip mo pa 'Di mo masabi sa 'kin na hindi mo na 'ko mahal Siguro, 'di ka pa handang mawala nang matagal Sa 'king tabi, kahit pinapakita mong may iba 'Wag mong itago, alam ko namang 'di ka masaya Hmm, mahal na mahal kita Mahal kita Mahal pa rin kita Hindi na 'ko masaya 'Di na 'ko masaya 'Di na 'ko masaya 'Di na 'ko masaya