'Di na 'ko makapaghintay makatulog, managinip
Hawak ang iyong kamay sa may sulok, sa may gilid
Ang ibig kong sabihin ay 'di man kita maabot
Pero 'pag ako ay nakahiga, tayo ay nagpapantay
Mata sa mata, ilong sa ilong, bibig sa bibig, mga halik sa leeg
Kasabay ng mga kanta na nakakakilig, ang sarap makinig
Habang dumidila ka pababa ng dibdib, pababa sa lugar kung saan ay liblib
Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig
Ako'y atat na atat na sapagkat nalulungkot ang inyong lingkod
Sana magpakita ka na, 'pag 'di ka sumipot, naku po, hindot
Alam mo bang kung ang laro ay taguan, ako ang laging taya?
Hinahanap-hanap kita, 'di kita matagpuan, nasa'n ka kaya?
Busog ang lahat ng buwaya kasi ika'y makalaglag-matsing
Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko, 'di ka namamansin
Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep, sa trike, sa bus at sa tren
Kahit na buo ang binibigay mo, sana kahit papa'no, may sukli ka pa rin
Mga kamay ko ay nalulumbay
'Di makapaghintay
Mahawakan ang sa 'yo, whoa
Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo
'Di na 'ko makapaghintay makatulog, managinip
Sakaling makaakbay sa may sulok, sa may gilid
Walang mga matang nagbabantay
Tara, humiga ka sa aking tabi nang tayo ay magpantay
Nagbabasahan ang mga utak, tila nagpapasahan ng mga sulat
Takpan man ng mga ulap, buo pa rin ang pangungusap ng mga matang nangungusap
Sa init ng ating katawan, daig pa ang disyerto
Ang malamig na silid at presko, panandalian naging impiyerno
Kahit saan ang puwesto, tuloy pa rin ang kuwento
Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsiyerto
Sago't gulaman, gin, pomelo, saging con yelo, isang modelo, isang kuneho
Magkakaiba man, pero swak pareho
Sa mundong 'to, terno tayo ng kulay, magkasalungat sa tunay na buhay
Ikaw 'yung orig na nahalo sa ukay, ako 'yung prutas na naakit sa gulay
Buti na lang, wala kang kasama, pagkakataon upang makilala
Bago ko lang matuldukan, subukan nating simulan sa comma (comma, comma)
Mga kamay ko ay nalulumbay
'Di makapaghintay
Mahawakan ang sa 'yo, whoa
Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo
Ako'y atat na atat na, ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na (madampian ng iyo)
Ako'y atat na atat na, ako'y atat na atat na
Ako'y atat na atat na (madampian ng iyo)
'Di na 'ko makapaghintay, malalim na ang gabi
Makunat na ang tinapay, malamig na ang kape
'Di na mapakali, and'yan ka na ba?
Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa
May usapan tayo, alas-dose, 'wag kang makalimot
Wala ka sa tulay ng San Juanico, 'wag kang magpakipot
Punuan man ang puso mo, wala sanang magalit
Handa akong sumabit, ayos lang kahit mangawit dahil
Mga kamay ko ay nalulumbay
'Di makapaghintay
Mahawakan ang sa 'yo, whoa
Mahawakan, mahawakan ang sa 'yo, whoa
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Ng iyo, ng iyo
Madampian ng iyo
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana, ngayon na (madampian ng iyo)
Поcмотреть все песни артиста