Nasa isang gilid, tahimik lang Palihim lang kitang tinitignan 'Di mo lang alam kung gaano kaganda ang Tanawin mula sa aking kinatatayuan Ngiti na 'singtamis ng pulot Mga tingin mo na nagdudulot Ng isang matinding tagtuyot Minsan naiisip ko kung pwede lang sumilip O sumingit sa isang magandang panaginip mo Napatingin bigla sa malayo Nakita ka sakay ng isang puting kabayo Magkita na lang tayo do'n sa kabilang ibayo Hihintayin kita, sabihin man nilang malabo Para kang prinsesa kung ituring Sa lalim ng ating pagtitinginan, sana 'wag mo kong lunurin Gusto lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin Kahit na anong sabihin ng iba Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Basta kahit na ano pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Nabighani sa nag-iisang bituwin sa kalawakan Nais ko sanang abutin at mahawakan Sungkitin kaso nga lang ang higpit ng pagkatali Pag nagbuhol, naku, yari ako sa mahal na hari Ikaw ang araw sa buwan, sa tuwing gabing wala ka Walang liwanag sa 'king daan Pakiramdam ko palagi ay parang nasa ulap 'Pag magdamag tayong magkausap Pwede patabi? Ang lamig kasi Painitin natin ang gabi parang bagong timplang kape Kahit pa gaano kadaming babaeng Ipakilala sa'kin, ikaw pa rin ang aking hahanapin Dahil ang puso mo ay mamahalin Dapat na ingatan at hindi dapat basagin Gusto lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin Kahit na anong sabihin ng iba Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Bastat kahit na ano pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Sana may sumalo kapag nahulog ako Sana 'wag mabagok ang ulo ko sa bato Ngunit nangyari na, nagising sa katotohanan Ayoko na ng laro gusto ko na ng totohanan Kung kumpyansa ang usapan, ako'y mamumulubi Sa tuwing titingnan kita, lagi mong nahuhuli Nais lang naman kitang yakapin Kahit limang kilometro ang layo mo sa akin Kahit na anong sabihin ng iba Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Basta kahit na ano pa ang gawin nila Mahal pa rin kita, mahal pa rin kita sinta Kung iguguhit ko lang ang pag-ibig namin Ito ay parang dahon na nilipad ng hangin At napadpad sa isang daanan Hanggang sa matapakan Ng dalawang naghahabulang magkasintahan