'Di sa pagdadrama Mas malungkot pa sa bagsak ng tunog na'to ang aking nadarama Ako ay lumuluha patago habang nakatayo Pinagmamasdan ka papalayo Sa bawat pagsubok alam kong tayo ay lalago At sa alaala ko habambuhay naka-tato Minsan may araw na hindi pinapalaro ni Jawo Kahit bano, sinamahan mokong maupo sa may bangko Basa man ang lansangan, tuyo man ang ulam Tayo'y nababalot sa kumot at unan At tanging sa platito lang ang ating tagpuan Sa mundo kung pinagkasundo ang asukal at suman Umapaw ng larawan at tawanan magdamagan Magkahawak ng kamay inaabot ang kalawakan Masyado tayong nagsaya Naniningil ang kalungkutan at ang pintuan ay tuluyan na ngang nagsara Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan Nasaktan lang kita, habang wala ka Ako'y nasa kama ng iba, di ko talaga kayang mag-isa Gantihan hanggang sa lumala, nagkasakitan Praningan dahil puro kasinungalingan Di ko na kelangang salagin, ako ang salarin Kaya minsan nahihiyang harapin ang aming salamin Dahil nagawa ko'to sa babaeng nagmahal ng wagas sa akin Nagnais lang namang maibalik ang tingkad ng dating Kulay ng pag-iibigan na parang bahaghari Kung sa'n panay bulaklak at masagana yung ani Pinaghalong lungkot at panghihinayang Ilang taon ding iginapang, nawala lang, tuluyan lang nasayang Baon mo ang ating plano pagsakay ng eroplano Kaso sabay sa'yong paglipad, agad itong naglaho Bago ka umalis at bago rin ito matapos Nais ko lang munang magpaalam sa'yo ng maayos, uh! Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan Tapos na nga ba tayo? o baka naman hindi pa Bakit mali pa rin ng isa't-isa ang ating nakikita? Nababawasan na nga ba ang paglalambingan natin? Para akong lalagnatin sa t'wing nanlalamig ka sakin Marahil nagawa ko lang 'to Dahil may mga nagawa ka rin sa akin na nasaktan ako Kaya nu'ng nalulungkot ka, ako yung hinahanap mo Ngunit mas pinakinggan ko yung tawag ng laman kesa sa tawag mo Di naman kailangang magka-ilangan dahil lamang nagkasigawaan Kung ika'y nahihirapan, ang bigat gumagaan 'pag binibitawan Parang tubig sa bakal, hinangin tapos kinalawang Nakalusot ka sa lansangang akala ko'y walang kaliwaan Kaya salamat nalang sa pabaong alaala May napulot akong aral sa ating pagsasama Buhol-buhol man ang sinulid ng ating kahapon Ay naitawid naman natin sa butas ng karayum Ang tag-init umabot na ng anim na buwan Kung minsan tatlong linggo lang Ngunit sa tuwing bumabalik siya ng kanyang kaharian Halos laging tag-ulan Halos laging tag-ulan, halos laging tag-ulaaan Halos laging tag-ulan pag nagpapaalam Sa tuwing ihahatid ko ang aking kasintahan Sa paliparan Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan Palakad-lakad mag-isa sa may hintayan Sa tuwing may bagong darating ay meron ding naiiwanan Andami pa nating sinasabe, anim na letra lang ang salitang "PAALAM"