Hi, I'm Jireh Lim And for my next song, it's called "Pagsuko" Sana po magustuhan nila, he-he-he ♪ Maaari ba muna natin 'tong pag-usapan? Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan Ngayon mo pa ba maisipang isuko Ang lahat ng ating pinagsamahan? Masikip sa damdamin, hinigop ng hangin Ang lakas, pinanghihinaan nang wagas Pwede bang pag-isipan? Huwag ka munang lumiban Baka sakali na ito ay masalba pa Lumalamig ang gabi Hindi na tulad ng dati May pag-asa pa ba kung susuko ka na? Larawan mo ba'y lulukutin ko na? Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama Damdamin mo tila'y napagod na Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na Susuko ka na Bawat pangarap na ating pinag-usapan Pupunta na lang ba ito sa wala? Hayaan mong ituwid ko ang pagkakamali Sa mga oras na 'to, alam ko, ika'y lito Lumalamig na ang gabi Hindi na tulad ng dati May pag-asa pa ba kung susuko ka na? Larawan mo ba'y lulukutin ko na? Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama Damdamin mo tila'y napagod na Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na Susuko ka na ♪ May pag-asa pa ba kung susuko ka na? Larawan mo ba'y lulukutin ko na? Sa hirap at ginhawa, tayo ay nagsama Damdamin mo tila'y napagod na Ikaw at ako ay alaala na lang kung susuko ka na