Kishore Kumar Hits

Jireh Lim - Mahal Mo Rin Kunwari şarkı sözleri

Sanatçı: Jireh Lim

albüm: Mahal Mo Rin Kunwari


Alalahanin mong kay tagal na nitong
Pag-ibig ko sa 'yo, bakit hindi umusbong?
Sasabihin mo pang may gusto ka nang iba
'Di mo talaga ramdam, gustong-gusto kita
Wala pa bang lugar sa puso mo?
Bakit ko ba kailangang maramdaman ito?
Tumitig ka sa 'king mga mata
Sabihin mo sa 'kin kung ako'y aasa pa
O luluhang sawi, saan nagkamali?
Kung kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin
Huwag mo nang ipaparamdam sa akin
Na ako'y mahalaga sa 'yo kunwari
Lalo lang sumisikip, aking damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat
Naaalala mo no'ng ika'y sinaktan?
Tumawag ka sa 'kin at ika'y luhaan
Dali-dali akong ikaw ay puntahan
Para damayan ka't ika'y tabihan
Tumitig ka sa 'king mga mata
Sabihin mo sa 'kin kung ako'y aasa pa
O luluhang sawi, saan nagkamali?
Kung kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin
Huwag mo nang ipaparamdam sa akin
Na ako'y mahalaga sa 'yo kunwari
Lalo lang sumisikip, aking damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat

Kung kaibigan lang ang tingin mo sa 'kin
Huwag ka nang magpaparamdam
Kaibigan lang ba'ng tingin mo sa 'tin?
Bakit mo pinaparamdam sa akin
Na ako'y minamahal mo rin kunwari?
Lalo lang nahihirapan ang damdamin
Ginawa lahat pero hindi sapat
Kung kaibigan lang
Kung kaibigan lang
Kung kaibigan lang
Huwag ka nang magparamdam

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar