Mahal pa rin kita, 'di ko alam kung makakaya ko pa Na mag-antay sa wala, tanong ko lang kung may pag-asa pa ba Kung mawawala ka, at 'di ka na kasama sa susunod na pahina Ng aking kabanata, at ang mga letra ay mababalewala Sabi ng iba, "Kung mahal mo talaga'y palayain na" Pero 'di ko pa kaya na makita ka na masaya na sa iba Sa 'yo lang umikot ang mundo, 'di ko alam kung Kakayanin ba magsimula kung sakaling mawala ka na? Unti-unting nadarama ang unti-unti mo na pagkawala Ayoko pa makita ng iba, 'di naman nila ako maramdaman Humihiling sa langit, ako'y nananalangin, tila hindi niya 'ko naririnig Humihingang malalim, dinadama ang hangin, paligid ay walang ningning Sabi ng iba, "Kung mahal mo talaga'y palayain na" Pero 'di ko pa kaya na makita ka na masaya na sa iba Sa 'yo lang umikot ang mundo, 'di ko alam kung Kakayanin ba magsimula kung sakaling mawala ka na? ♪ Kakayanin ba kung 'di ka na ang kasama ko sa pahina? Sabi ng iba, "Kung mahal mo talaga'y palayain na" Pero 'di ko pa kaya na makita ka na masaya na sa iba Sa 'yo lang umikot ang mundo, 'di ko alam kung Kakayanin ba magsimula kung sakaling mawala ka na? Kung sakaling mawala ka na Kung sakaling mawala ka na