Paiba-ibang kalungkutan sa pare-parehong araw Katawang pagod, hiningang lagot Antok na walang balak dumalaw Walang bago sa pag-iba ng panahon Karugtong lang ng bukas ang lumbay ngayon Walang dilang maingat ang masasalba sa pag-inom ng lason Ayoko nang maulit pa Poot ko ay nilalangaw na Basagin ang aking panga't isipin Ayoko nang makita pa Poot ko ay nilalangaw na Basagin ang aking panga't isipin Pisngi ko ay basang basa Sa alat ay sawang sawa Sa lalim ay hindi kayang sisirin Paiba-ibang kalungkutan sa pare-parehong araw Paiba-ibang kalungkutan sa pare-parehong araw