Ito'y storytelling type about real life bugoy No read no write, and it feels like unggoy Binigyan siya ng lies about freedom of choice Mga fabricated rights ng mga taga-exploit He follow the rules, his dreams get destroyed Na-scam si bugoy but he choose to enjoy To lived as a toy sa pagiging employed Nagpakapagod na boy para lang magka-coins Upang bisyo ma-afford pagkatapos ng work Upang 'di siya ma-bored sa buhay na walang worth 'Coz he's living alone at walang may concern He singing some songs made for the church His faith was so strong but life is absurd He always went wrong and all the traumas occur Now his sanity is gone, his thoughts get disturbed In the awakening of pawn, this world must get burned Kung bangungot ang paggising, ito pa ba ay nanaisin Kung bangungot ang paggising, ito pa ba ay nanaisin Kung bangungot ang paggising, ito pa ba ay nanaisin Kung bangungot ang paggising, ito pa ba ay nanaisin Ego, empowerment, dogmas, debates, Pride, materialism, fear, loathing and the hate Wrapped tightly with a noose around my neck Put some back weight, scoliosis back brace Nakumunuy-manuy na sa kahon ng rat race Soul eternally swirling on my own paradoxical maze That's why we have a mind to think Pineal gland third-eye to blink, critically And visually Impaired on the back of my perspective mystic Eye to see Welcome to the rabbit hole Look inside in the mind hole Of a new ageing Odyssey Kung bangungot ang paggising, ito pa ba'y nanaisin Manginginig sa may gilid, magkikiskisan mga ngipin At ang mga nakapaligid 'di na magagawang silipin Dahil katapusan ng lahat ang ginagawang isipin Bilang lumayang alipin, anong sistemang sisisihin Pakialam ay tumigil, pagbalik 'di na pipilitin Kalas na ang turnilyo at wala ng pipihitin Paalam sa mundo, ibang dimensyon sisisirin Pinikit ang perspektibong lente ng mga mata Ngunit tila bakit parang akoy mas lalong nakakakita Araw-araw naglalakad pasulong ng gising Ngunit mahimbing na tulog ang kamalayang diwa na pilit nilalambing Mentalidad na kinundisyon, diwang gising na nananaginip sa ilusyon Kinagatan ang bunga sa puno ng kamalayan, Napunit ang belong nakapiring sa mga matang panalamin lamang Sumisid sa loob ng apat na sulok ng birtwal na mata't Nilangoy ang akwaryum na simulasyon Hinanap ang sarili sa kawalan Ngunit sa kalooban lamang ng sarili nabubuhay at Matatagpuan sa imortal na ngayon Kung gayon, sa katahimikan ng wala lamang Kakalas mula sa nakaposas na palaisipang tanikalang bangungot Bangungot na paggising nanaisin Prebilehiyo ang imulat ang mata sa kabaliwang ugong sansinukuban Kaysa mamuhay ng taliwas sa likas Ng pagpikit sa katotohanang natutulog sa kasinungalingan Ang utak lamang natin ang siyang nagsisilbing kulungan Tandaan mong nasa sarili lamang natin ang kapangyarihan