Kishore Kumar Hits

Dhictah - Ako Ang Diktador şarkı sözleri

Sanatçı: Dhictah

albüm: Lalim At Karimlan


Pangalang Diktador bitbit ngayon aking talino
Kayo'y sunod sa akin na parang isang anino
Kasi, lahat ng dala ay negatibo
Butas kayong lahat ako'y lalaking agresibo
Isa 'ko sa bandido, salbahe na anito
Parang syota mo, trabaho ay minamani ko
Hindi ka para dito, galawang pang bagito
Lahat ng sumiksik layas saking paraiso
Nilalaro ko bawat tiyempo, alerto
Dapat solido bawat konsepto
Pundasyon niyo di konkreto, malabo tong umasenso
Baduy, parang mag-syota lang na naka terno
Pinulido mga berso, tugmaan ko pang eksperto
Kung baga sa Siyensya, tagumpay eksperimento
Isa ako sa ehemplo, musika ang aking templo
Luhod mga supot ako ang hari sa disyerto
Pangalan ko ay Dikatdor
Sa musikang ito isa ako sa tirador
Pangalan ko ay Dikatdor
Sa musikang ito isa ako sa tirador
Kung ika'y nagmamataas, labas mo nga ang letra mo
Extra ka lang sa palabas sabik lang sa eksena 'to
Walang usad karera mo na parang kinadena 'to
Babae na kabit, sa huli ay echapwera 'to
Beterano daw para kunyari malakas
Sobrang supot naman sabay hataw kung mag-angas
Diskarte ay paspas para lang umangkas
Mapapakamot ka nalang parang plakang kinaskas
Sa paglalakbay tayo mag-tuos
Upang maintindihan mo nang lubos
Letrang aking sandata ay isang unos
Bahay na marupok stilo niyo ay ubos
Dapat mong intindihin at alamin
Na hindi ka magbubunga kung bulok ang pananim
Huwag kang matakot kung isa ako sa salarin
Kasi bandang huli ako din ang iyong sasambahin
Pangalan ko ay Dikatdor
Sa musikang ito isa ako sa tirador
Pangalan ko ay Dikatdor
Sa musikang ito isa ako sa tirador
Walang katulad, pagdating sa letrahan
Hulog ka sa laro na parang bentahan
Anong dapat sayo? Alisin na sa listahan
Kasi nakisakay ka lang, bisikletang parentahan
Ginanahan, kaya walang pakialam
Burado ulo mo parang bahaghari na maselan
Solido at hindi meron nang namamagitan
Palitan ng putok parang lugar lang na Basilan
Talagang magulo, mahirap sumabay
Parang buhok ng tao tayo'y hindi pantay-pantay
Upang makausad kailangang mag-saklay
Manlimos ng respeto yan ang nakakamatay
Maging peke sa larangan, galawang delikado
Gusto lang umani parang taong pensyonado
Tunog kairita, gitarang sintunado
Bawat isa punit parang binuksan na regalo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar