Kishore Kumar Hits

Greyhoundz - XXV şarkı sözleri

Sanatçı: Greyhoundz

albüm: XXV


Simulan natin ang 25 hawak ko nu'ng ako'y nangarap
Mga kapatid na aso, ako'y niyakap
Nilawayan upang 'di na bumuka ang tarak
At humarang sa mga ayaw na magpaawat
Binuksan ang pintuan ng tahanan nila't ako'y pinatuloy
Maginaw, sinindihan ang apoy
Walang taguan ng baraha, maglaro man ng pusoy
Maluwag ang huminga kahit na ano pa'ng amoy
Kilala namin ang isa't isa
Kahit na kapaligira'y mag-iba
Buo't barya, lagi kaming may paninda
Sagot kita ano man ang tanong nila
Alisin na sa usapan ang korona at trono
Isa lang ang may karapatan, ayoko
Kahit kung minsan, ako ay tila ba wala sa tono
Aawit pa rin kapag pinasabay sa koro ng todo
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya kami nakarating
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya kami nakarating (para bang sumakay ka sa tangke)
Sinargo ang parada, palaruan, inangkin
Walang babala sa delubyong dumating
Namulat ang madla sa talas ng patalim
Nagliyab ang entablado, alam mo sino nagsindi
Ginawang araw ang gabi
Mga pagkakataon ay pinagtahi-tahi
Dugo't pawis ang alay kada ambag, kada tari
Buwis-buhay kada lapag, kada lagari
Giyera kung giyera sa'n man ang puwesto
Asahang dala namin ang krudo para sa puso
Taas bandera, taas kamao
Sabay nating buhatin ang bigat ng mundo
Sumuntok sa buwan at naging tala si Juan
Salamat kay Bathala, siya'ng bahala, siya nawa
'97 hanggang kasalukuyan
Kami ang bakal at apoy na walang kamatayan
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya kami nakarating
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya parang baga na hinipan
Siguradong aapoy, 'di mahina
Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
Kapag tumatagal, umiinit ang makina
Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga
Akin na

Laging lagyan ng laman ang balde
'Di nababasa kahit na umanggi
Kulang ang sabi-sabi kapag kami pinagtabi
Darating agad-agad, lalapag araw o gabi
Tila musika sa tenga, parang kamot sa kati
Ako ay tagahanga na pinagpala
Nakamit ang pangarap na walang daya
'Di mahirap sa amin ang magpaubaya
Bitawan ang galit upang tayo'y lumaya
Kahit sa malayo ang sadya
Hindi nanghina ang pagpadyak
Kahit na sa laot inulan
Tuloy-tuloy lang ang pagsagwan
Kahit na matayog ang lipad
Mga paa'y sa lupa, naglalakad
Laging uhaw sa pakikipagdigma
Kaluluwa'y busog sa biyaya
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya kami nakarating
Pumalag sa agos, kami nakatawid
Sumabay sa alon, kami ang nanaig
Pumalag sa hamon, sa 'yo na ang sukli
Hindi napagod, kaya kami nakarating
Parang baga na hinipan
Siguradong aapoy, 'di mahina
Hinagisan pa ng mga sinulatang pahina
Kapag tumatagal, umiinit ang makina
Sinasakal, 'di mapipigil ang paghinga
Akin na

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar