Kishore Kumar Hits

Up Dharma Down - Anino şarkı sözleri

Sanatçı: Up Dharma Down

albüm: U D D


Pagod na'ng mga labi kahit wala pang sinasabi
Puro minsan na lang, nakapako sa 'king isipan
Tahan na, umiiyak ka na naman
Hindi ba't ikaw din ang papahid ng luhang 'yan?
'Di ka ba naiinis sa tuwing ika'y sinisisi?
Nakamtan na ang kalayaan ko sa 'yo
Habang mayro'n pang nalalabing lakas
Nais kong malaman mo
Heto ako, sumpang 'di na uulit pa
Heto ako, heto, handang-handang iwanan ka
Heto ako, mamumuhay nang mag-isa
Heto ako, ba't nariyan ka pa?

Ipagpaumanhin mo sana ang takbo ng isipan kong ito
Sadyang ganiyan lang tal'ga, wala sa katwirang alam mo
Tama na, tapos na ang nakaraan
Hindi na ito nararapat gawan ng paraan
'Di ka ba nagsasawa sa tuwing ika'y natititig sa sarili?
Ngunit ako ngayo'y muling magbabalik
Dahil lamang sa nag-iisang saglit
Na silayan kang muli
Heto ako, nakatayo sa iyong harapan
Heto ako, heto, handang masaktan
Heto ako, 'di na magpapapigil pa
Heto ako, nariyan ka pa ba?
Heto ako, dahil sa iyo'y gulong-gulo
Heto ako, sana'y paniwalaan mo
Heto ako, umaawit, litong-lito
Heto ako, unawain mo

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar