Sa pagmulat ng aking mata Ako'y ginising ng ihip ng hangin Ang sikat ng araw makulay Sa tabing ilog parang may tumatawag Ako'y lumapit sa puno'y may natatanaw Dumilim ang araw Bumigat bigla ang aking dibdib Tibok ng puso'y bumilis Ako'y hindi mapakali Ako'y naduduwal Sa pagtitig ng kanyang mata Ako'y kanyang hinusgahan Ligaya kong naramdaman Binawi sa akin At hindi ko maalala Kung saan galing ito Mga bahid ng dugo Dumikit sa aking mga kuko Tumakbo lumayo sa lugar nato Lalamunan ko'y tuyong-tuyo Tumatakbo lumalayo sa titig mo Sa mata ng Diyos Biglang umikot ang paningin Liwanag ng araw biglang dilim Nalambing na ihip ng hangin Ngayon ay matalim Ako'y nawala sa aking sarili Pati ang lupa'y gumanti Bato bundok o puno man Sumisigaw sumisigaw At ngayon ko nakikita Ang lahat ng kasalanan Tinaboy sa ulan Init ng kamunduhan Tumakbo, lumayo sa lugar na 'to Lalamunan ko'y tuyung-tuyo Tumakbo, lumayo at magtago Sa mata ng Diyos Mata ng Diyos... Inalok ako ng isang ahas Pula't matamis na mansanas Pilit ko man hindi makaiwas Sa mata ng Diyos