Di ko na maibalik Subukan ma'y ayoko nang magpilit Nagising na't muling pumikit Di ko matakasan ang mga saglit Sa bawat sandaling ako'y napapaisip Nababagabag ang pusong nananabik Ang tinig mo'y nanginginig Pagod mong kaluluwa'y ayaw magpadaig Ikaw ang aking bituing makulit Di ka mag-iisa sa mundong malupit Hayaan mo't lilipas ang mga bagyo Sa mga pasan mo'y aalalay ako At di na tayo magmamadali Hayaan mo lang dumaan ang mga sandaling dumidilim Wag kang manimdim Nandito lang ako sa muli mong paggising Hindi na tayo magmamadali Hayaan mo lang dumaan ang mga sandaling dumidilim Wag kang manimdim Nandito lang ako sa muli mong paggising Hindi na tayo magmamadali Hayaan mo lang dumaan ang mga sandaling dumidilim Wag kang manimdim Nandito lang ako sa muli mong paggising