Kung maniniwala ka na lang sa kanila Pare-pareho tayo na walang magagawa Pariwara, tawag sa 'tin ng madla Mga walang hinaharap Pariwara, 'di man lang kumukurap Bakit ka ba nabibigla? May mga taong galit sa sinag ng araw At kahit mumunting saya ay ayaw matanaw Buong mundo'y humihiyaw Ngunit 'di tayo, 'di tayo titiklop Oh, 'di tayo, 'di tayo titiklop At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan Balang araw ay maiintindihan Balewala, bilin ng matatanda Huwag na huwag ka nang magtataka Batang gala tayo sa tingin nila Na mawawalang parang bula May mga taong tumatandang walang saya Mga munting pangarap ay nilimot na nila Utak nati'y sinasara Ngunit 'di tayo, 'di tayo titiklop Oh, 'di tayo ('di tayo) 'di tayo titiklop At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan Balang araw ay maiintindihan Kung maniniwala ka na lang sa kanila Pare-pareho tayo na walang magagawa May mga taong galit sa sinag ng araw At kahit mumunting saya ay ayaw matanaw Buong mundo'y humihiyaw Ngunit 'di tayo, 'di tayo titiklop Oh, 'di tayo ('di tayo) 'di tayo titiklop At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan Balang araw ay maiintindihan At lahat ng hadlang sa ating pagmamahalan Balang araw ay maiintindihan Balang araw ay maiintindihan