Landian lang bawal ang seryoso Wag kang umasa na magtatagal to Minsan lang oy, mag-enjoy lang tayo Walang control, walang plano, walang preno Landian lang bawal ang seryoso Dahil gutay-gutay na ang aking puso Galing sa pag-ibig na akala ko totoo Seryoso ako pero siya landian lang Di interesado sa apelyido mo Walang palitan ng numero Sa'yo na yang susi ng iyong bahay Di ako dapat pakilala kay nanay Wag mo kong sabihan ng sikreto Itago mo lang problema mo Baka umiyak ka kinabukasan Wag mong sabihing di kita binalaan Landian lang bawal ang seryoso Dahil gutay-gutay na ang aking puso Galing sa pag-ibig na akala ko totoo Seryoso ako pero siya landian lang Modernong pag-ibig ko'y subukan Para iwas drama at di masaktan Hindi bawal ang panandalian Sinong may sabing dapat may sumpaan Sa loob ako pa rin naniniwala Wagas na pag-ibig ay makikita Pero ngayon di ko kailangan Gusto ko ay walang kahulugan Landian lang bawal ang seryoso Wag lang umasa na magtatagal to Minsan lang oy, mag-enjoy lang tayo Walang control, walang plano, walang preno Landian lang bawal ang seryoso Dahil gutay-gutay na ang aking puso Galing sa pag-ibig na akala ko totoo Seryoso ako pero siya landian lang Galing sa pag-ibig na akala ko totoo Seryoso ako pero sya landian lang