Ikaw na naunang Umibig sa lupa Sa kanya sumibol Ang 'yong hiwaga at diwa 'Di hiwalay kailanman Ang buhay sa pinagtubuan Ngunit ika'y pinipilit Mundo mo ngayo'y tila naninikip At hindi ko nakita Hindi ko narinig Patak ng luha sa lupa Kailangan ko nang umimik Ito'y pagpupugay Sa dakila mong buhay Matapang na tinig Sana iyong naririnig Kape sa umaga Ginto na minina Enerhiyang sagana Kapalit ng 'yong pagdurusa Dahil hindi ko nakita Hindi ko narinig Dugong dumaloy sa lupa Baguhin ang pag-iisip Ito'y pagpupugay Sa dakila mong buhay Matapang mong tinig Ngayon sana'y maririnig Maririnig Ito'y pagpupugay Sa dakila mong buhay Matapang mong tinig Ngayon sana'y maririnig Tayo'y kabahagi Ng kwentong hinabi Kanyang nilathala Hinango sa lupa